Overseas Jobs, Jobs Abroad, Pinoys Abroad
Feed Burner
Twitter

Archive for the ‘OFW Stories’ Category

Dec
3
2015

Madali Lang Maging OFW

Posted by:

Yakang-yaka ko maging OFW. Easy lang!

 

Andali lang magpanggap na hindi ako natatakot sa ginawa kong desisyon na maghanap ng trabaho sa ibang bansa para sa pamilya ko.

 

Andali lang itago ang pagkabalisa kung saang kamay ng Diyos ko hahanapin ang perang kailangan para makumpleto ko ang mga required na dokumento: Barangay, police, NBI clearances, birth certificate sa NSO, pampa-certified true copy ng TOR, ng diploma, pang-passport, pangpa-medical at kung anu-ano pa.

 

Andali lang magsinungaling na hindi ako nahirapan sa paglakad ng mga iyon – na hindi ako nanghinayang sa bawat pamasaheng inaabot ko sa driver, na hindi ako nagutom at nauhaw.

ofwabroad.com - lonely man

Andali lang isantabi ang takot at humagilap ng sandamakmak na tiwala sa recruiter na ngayon ko lang nakilala, na siyang pag-aabutan ko ng malaking halaga para sa placement at processing fee na ipinangutang ko para sa pangarap kong makatulong sa mga mahal ko sa buhay upang mairaos ng matiwasay ang bawat araw.

 

Matapos akong pawisan ng butil-butil at malampasan ang interview, matapos kong i-submit ang mga dokumento at habang pino-process ng agency ang mga papeles ko pa-abroad, easy-han pa rin ang galawan ko. Hindi ko ipinapahalatang nagsisimula ko nang mamiss ang mga magulang at kapatid ko. Hindi ko ipinapahalatang ninanamnam ko ang bawat sandaling kasama ko sila. Pangit mang sabihin pero para na rin akong taong may taning na gustong mag-“live life to the fullest” habang nasa Pinas pa.

 

Yung itago ang panginginig ng buo kong katawan pagtapak sa airport, sisiw! Yung pag-aalala na baka hindi ako siputin sa airport ng recruiter ko na may hawak ng lahat ng kontrata, passport, visa at kung anu-ano pa. Yung kaba na baka na-scam na pala ako o kaya ay ma-human o drug trafficking? Yakang-yaka kong ikubli lahat iyon. Dyan tayong mga Pinoy sanay, hindi ba? Ang magtapang-tapangan.

 

Sinong first-time OFW kaya ang hindi nangapa sa mga sistema sa airport? Sa eroplano? Sino kayang first-timer ang minani-mani lang ang pakikipag-usap sa ibang lahi gamit ang kanilang sariling lengguwahe o kaya ay Ingles? Ako, iniisip ko muna ang sasabihin ko, pilit at mabilisang tinatranslate sa isip ang sasabihin bago ibuka ang bibig. At todo effort sa pakikinig sa kausap na iba ang accent. Hay! Buhay OFW nga naman!

 

Andali lang naman matakot, mangapa, at mag-adjust sa lugar na 100% na iba sa kinalakhang pamayanan. Andali lang itago at dedmahin ng mga pakiramdam na iyan or else, bibigay ako. Paano na ang pangarap ko? Ayoko nang makita ulit ang nanay ko na namomroblema kung ano ang uulamin namin, kung saan kukuha ng pangbayad ng tuition, kung paano pagkakasyahin ang budget sa isang linggong baon naming magkakapatid. Mas madaling magpanggap kesa hayaang patuloy kaming mamuhay sa hirap.

 

Sana nga ganito lang kadali ang lahat. Sana nga ako lang ang nakaranas ng mga ito. Pero batid kong hindi at batid kong mas malala pa ang hirap ng ilang OFW kesa sa akin. Pero ano nga ba ang magagawa ng mga tulad kong salat na walang maapuhap na liwanag sa sariling bayan? Minsan naiisip ko, mas madali palang magbungkal ng lupa at magtanim. Pero kung gagawin ko yun sa lugar namin na hindi prayoridad ang agrikultura, wala. Nganga!

 

Haaay, kailan kaya darating ang panahon na pupunta ako sa airport kasama ang buong pamilya ko para mamasyal at magbakasyon sa ibang lugar at hindi upang ihatid nila ako para sa overseas job ko? Pero habang hinihintay naming mga OFWs ang panahong iyon, patuloy muna kaming magpapanggap at maglilibang sa napili naming desisyon – ang maging overseas Filipino workers.

 

Yakang-yaka para sa pamilya, hindi ba kabayan?

If you like this post, you may also want to subscribe to our RSS feed to be updated on job opportunities for  OFWs and news concerning OFWs.
You can also follow us on Facebook and Twitter.
Published in: OFW Stories, Uncategorized
Nov
13
2015

KAMING MGA OFWs, MAYAMAN SA RESIBO

Posted by:

Kapag nasa abroad, wow! Ang nasa isip ng mga tao sa Pilipinas, ang mga OFWs ay sosyal, masaya, mayaman, etc. It was also the same thinking we had before we experienced working as OFWs. Hindi bawat OFW ay mapalad na gaya ng iba pero majority sa amin ay problemado lalo na when it comes to financial matters.

I am working in a remittance company here in Qatar. Every day when I am at work, halos lahat ng mga customers namin ay isa ang sinasabi “I’m here again, padala na naman. At ganon talaga”.  Nakakatuwa ‘di ba? Another thing which is common and is actually happening ay ang tawanan ng mga customers namin, talking about their families in the Philippines – about the text messages na dumarating at end of the month. Alam na! nagparamdam kasi malapit na ang pay day. But after sending the control number ng perang pinadala, wala ng feedback if they received the cash o hindi pa. Minsan kami pa mismo ang unang magte-text o tatawag just to confirm. But we understand kasi mahal ang international calls/text.  Buti na nga lang may social media na ngayon.

Kaming OFWs, Mayaman sa Resibo

Mayaman? Oo, mayaman kami sa resibo dahil monthly, we’re sending money to our families. Sa dami ng resibo namin, pwede na siguro kaming magtayo ng museum for our receipts na iba-iba ang services na nagamit at bansang pinagmulan. Bayani nga kami kung tawagin dahil sa aming sacrifices at maging sa aming great contribution for our country. Totoong mahirap ang malayo sa mga mahal sa buhay. Oo, masarap mamuhay sa abroad pero mahirap din. But for our dreams para sa sarili at pamilya, handa kaming magtiis.

Bakit nga ba sa resibo kami mayaman? Aside sa monthly support kasi namin for our family, yung iba may pinag-aaral sa college o kaya ay may project na pinapagawa – bahay or whatsoever. As much as we wanted to help everyone including our relatives na lumalapit eh wala na kaming maibigay dahil we also have personal needs at mahal din ang bilihin dito. Most especially yung mga OFWs na andito kasama ang asawa at mga anak nila, mahal din po ang tuition fees ng mga bata. Expenses pa sa daily na pagpasok ng mga kids kaya sana maintindihan niyo rin if talagang walang maibigay the moment na lalapit kayo.

Malaki man o maliit ang sahod ng mga OFWs dito, I tell you halos lahat ay problemado din sa pera lalo na kaming mga simpleng OFWs. If you will not experience working abroad, you will never understand kung ano ang sinasabi namin. Good thing lang talaga dito ay we are provided free accommodation and transportation by our company at higit sa lahat tax free.

Whatever the reasons are, we OFWs have the deepest reasons why we are here. It’s a challenge for us not to forget yung sarili din natin, kasi in the end, babalik at babalik din tayo sa ating bayan. Kaya SAVINGS is a must and we have to spend our money wisely.

– From a real-life OFW, guest blogger
 
If you like this post, you may also want to subscribe to our RSS feed to be updated on job opportunities for  OFWs and news concerning OFWs.
You can also follow us on Facebook and Twitter.
Oct
28
2015

Paano Makipagsapalaran sa Singapore?

Posted by:

Dahil na rin siguro sa mga kwento ng mga kababayan nating OFWs, maraming Pilipino na rin ang nag-aasam na makapag-trabaho sa Singapore.

Iba’t iba ang diskarte ng mga overseas Filipino workers sa Singapore kung paano sila nakapunta doon at makipagsapalaran.

May ilang dumaan sa mga lisensyadong recruitment agency (na siyang iminumungkahi ng ating gobyerno); at may ilan ding nagbakasali gamit ang tourist visa.

Pero tulad ng palagiang paalala ng POEA sa mga nagpaplanong mag-abroad, pag-aralang maigi ang pupuntahang bansa at pag-isipang mabuti ang gagawing desisyon. Ika nga nila, “look before you leap“.

Sa aming pag-iikot sa Facebook, isang video ang natagpuan namin na siguradong makapagbibigay ng malinaw na impormasyon sa mga nagbabalak pumunta sa bansang ito.

Watch this.

Working in Singapore -repost- credits to Alisu Olea

Posted by Al Bert on Wednesday, July 30, 2014

 

Kung gusto mong makipagsapalaran sa Singapore sa tulong ng recruitment agency na siguradong may valid na lisensya mula sa POEA, puntahan ang WorkAbroad.ph at mag-apply online para mas tipid at mas mabilis.

If you like this post, you may also want to subscribe to our RSS feed to be updated on job opportunities for  OFWs and news concerning OFWs.
You can also follow us on Facebook and Twitter.
Oct
9
2015

Can You Work Abroad If You Have Lung Scar?

Posted by:

I applied for a job opening in Saudi Arabia and got a job offer. Unfortunately, the employment offer was canceled because my medical exam results deemed me as unfit to work. Does this mean that I have to forget about my dream to work abroad? Is there a foreign country that is not so strict in medical results? Kindly advised me as I am losing hope.

The story above may seem familiar because a clear medical exam result is a major requirement prior to overseas deployment. Often, people with lung scars or pulmonary fibrosis are still rejected even if the scar is already inactive or non-infectious.

It will not be surprising if someone with lung scar would just give up his dream to work abroad. However, this testimonial from WorkAbroad,ph might be an inspiration to those who are in the same plight.

Mr. Adimar’s Story:

Halos hopeless na ako makapag-abroad dahil may scars ako sa lungs. Lagi na lang akong na-rereject lalo na sa parteng Middle East, pero hindi ako nawalan ng pag-asa. nag-post ako ng resume sa WorkAbroad.ph at nagsimulang dumami ang tawag sakin mula sa ibat-ibang agency.

Hanggang nakatagpo ako ng employer na nag-waive ng scars ko at dahil dun matutupad na ang pangarap ko namakapag trabaho sa abroad. Nakatakda na akong umalis ngayong buwan. Salamat sa WorkAbroad.ph

Mr. Adimar was hired by Cobil Recruitment Agency as an Agricultural Worker.

If you like this post, you may also want to subscribe to our RSS feed to be updated on job opportunities for  OFWs and news concerning OFWs.
You can also follow us on Facebook and Twitter.
Aug
25
2015

Waiting for Visa for Months, What to Do?

Posted by:

Marami sa mga applicants for overseas jobs ay nakakaranas na maghintay ng issuance of working visa for a month or so. At hindi maikakaila na kasama sa dilemma ng paghihintay ay ang takot na ma-deny ang kanilang application o mapaso ang validity ng ilang dokumento tulad ng medical result.visa

Sa ganitong pagkakataon, ano nga ba ang mabuting gawin?

This is what OFWGuideForum.com guru Joshua_sx1 suggests:

“The normal processing (of visa application), from the time of job offer acceptance to departure, should not exceed 3 months. Matagal na ang 3 months para dito. At kung more than 3 months na, siguradong somewhere, somehow or someone has a problem.

Kung nai-submit mo na lahat ng kailangan at requirements from your side, you can eliminate yourself as the cause of delay which narrows the causes to two reasons: either the agency or the employer itself. This is the fact to be considered na dapat ay may backup plan tayo. dahil ibig sabihin, hindi na natin hawak ang sitwasyon at wala din tayong magagawa if worst scenario comes.

Hindi bawal o walang batas na nagbabawal sa atin na magtitingin-tingin pa ng ibang opportunity kahit sabihin pa na nagpro-process na tayo sa isang agency. At kahit saan namang application, hindi naman kinakailangan agad na ibigay natin ang ating passport, mga original, authenticated, at certified-true-copy documents. Kahit mismo ang POEA, hindi ito ina-advice dahil na nga sa wala pa naman kasiguruhan ang initial submission ng application. At that stage, lahat ng aplikante ay zero pa ang possibility na ma-hire.

Once na pumasa ka na nang exam (kung mayroon man), interview at assessment, at confirmed selected ka na thru job offer, doon pa lang natin dapat isina-submit ang ating mga original at authenticated documents. In which, if we are going back to the issue, hindi dapat maging sagabal na wala na sa atin ‘yung mga original at authenticated documents kaya hindi tayo makapag-apply sa iba, maliban na nga lang kung hindi ka nakapagtabi ng kopya.

When you limit yourself and give the your entire future to a certain agency, talagang made-depress ka lang habang naghihintay nang parang walang kasigurihan. Worst come to worst at hindi na nga natuloy ang pag-alis natin, at least, may isa pa tayong inaasahan. O kung sakali man at mas maganda ‘yung bagong opportunity nating nakita at mas sigurado tayong makakaalis, we have all the rights to withdraw our applications from the previous agency. We want also to eat 3 times a day and we also need to pay rent, electricity, bills, fares, etc. para mabuhay. The agency should realize na, like them, we are also human beings.

Again, nasa atin na po kung gusto nating i-limit ang ating opportuntity.”

 

Nakatulong ba ang payo ni Sir Joshua_sx1? If you are to ask about the same issue, ano ang maipapayo mo?

 

For more helps, tips, and concerns, you can join http://ofwguideforum.com/ for free.

 

May takot ka ba o agam-agam tungkol sa pagwiwithdraw ng application sa agency? Basahing mabuti ang article na ito » WITHDRAWAL OF APPLICATIONS: 10 MYTHS AND FACTS

 

If you like this post, you may also want to subscribe to our RSS feed to be updated on job opportunities for  OFWs and news concerning OFWs.
You can also follow us on Facebook and Twitter.


Overseas Jobs - OFW Guide - Seaman Jobs - Nursing Guide